Wednesday, October 2, 2013

Si Juan sa Araw ng Halalan

Ninanais na pagbabagong makakamtan mula sa pagboto -- ang nasa isip ni Juan pagmulat ng mata para sa araw ng halalan.

Tiniis ang init, gayundin ang mahabang pila. Ilang oras na pila para sa bagong pamamahala.

May nag-abot ng sobre, laman ang salaping papawi sa ilang araw na pagkagutom. Ilang araw na kaluwagan kapalit ang ilang taong paghahari ng mga buwayang sabik sa kayamanan at kapangyarihan.

Napawi ang gutom ni Juan mula sa salaping kakabit ang pandaraya. Napawi rin ang nais na pagbabagong mananatili na lang sa isipan ni Juan.

1 comment:

  1. Hey! how have you been. Uwi ako December can you shoot me an email for your number. I'll call you. talk to you Soon :-D

    ReplyDelete