march 22 -- Cavite Day.
First day of finals dapat namin.
Kaya lang, holiday kaya napostponed.
march 23 -- Magbabayad pa lang ako ng tuition. Alas-onse pa lang, nag-ayos na ko para hindi ako malate sa exam. Kailangan ko nga lang hintayin pa ang padala ng tito ko bago makapagbayad.
Alas-tres na ngunit kakakuha ko lang ng permit ko. Shit talaga, ang tagal kong naghintay mula 11am-3pm --buti na lang at hindi nagusot ang uniform ko. Medyo hindi na ko natetense dahil 4pm pa ang exam ko. Hindi ako malelate kung walang traffic.
Kaya lang 3:05 na wala pa ding dumadaan na tricycle. Ramdam kong malelate na ko. 3:10 -- at last, nakasakay din. Sakay ako agad sa dumaan na jeep papuntang school kahit trip ko sanang mag-bus. Isang kalawang na lang yata ang pipirma at masisira na ang kakarag-karag na jeep.
Shit talaga, super traffic!
At si Manong Driver, parang Pacman dahil lahat talaga ng kanto ay hinihintuan at maghihintay talaga ng pasahero kahit wala naman talagang pasahero. Minumura ko na din si Manong Driver sa isip ko. Nais ko syang unawain na gusto ko lang niyang kumita but for God's sake, wala ngang pasahero. Wala! Wala!
Maya-maya, puno ang jeep dahil sa tyaga ni Manong Driver. Super badtrip na din talaga ko. Ang katabi ko pa, isang matabang babae na nagmamantika sa sobrang init! Nakataas pa ang kili-kili nya at amoy na amoy ko ang bad vibration! Hindi ako makapag-basa ng ayos dahil dun.
3:45 -- Malayo pa ko sa school. Nagpa-gas pa si Manong. Shit! Nagsoundtrip na lang ako dahil hindi talaga ko makapagconcentrate sa binabasa ko. Masaya yung pinapatugtog ko kahit na gusto ko na talagang magluksa dahil mukhang hindi na ko aabot sa exam ko.
4:00 -- Tik-tak. Tik-tak. Tense na ko!
4:15 --Hininto ni Manong ang jeep at bumaba. Call of nature! Damn! Wala pang isang minuto bumalik na si Manong pero feeling ko napakatagal nya.
4:25 -- At last, nakarating din ako sa school. Punta sa cashier at kumuha ng permit.
4:30 -- Pumunta ko sa testbank at tiningnan ang room schedule ko pag late payment dahil 10am talaga dapat ang exam ko.
Punta ko sa room 202. Tamang takbo na ko kahit naka-skirt ako.
Proctor: Bakit ngayon ka lang? (Mahinahon naman siya)
Ako: Kakabayad ko lang po ma'am eh. Traffic din po. World Lit po exam ko.
Proctor: Walang World Lit dito eh. Quanti Math lang.
(Halos lahat na yata ng estudyante nakatingin sa 'min. Ramdam ko din ang tingin ni Ailyn na tinitext ko tungkol sa room schedule ko habang nasa biyahe. At wala siyang reply. Hindi nya pala nabasa yung text ko.)
Ako: Galing na po ko sa Testbank. Dito po yung room assignment eh.
Proctor: Balik ka na lang dun at tanungin mo.
Ako: Sige po. Thank you po. (Takbo na talaga ginawa ko papuntang Testbank, hingal na din talaga ko.
TESTBANK
Ako: Sir, wala po sa room 202 yung world lit na exam eh.
Sir: (Check computer.) Friday pa yung exam na yun.
Ako: Hala, supposedly po kahapon yun. Akala ko naadjust at ngayon na lang.
Sir: Hindi eh. Yung pang-monday, ginawang friday. Ganun pa din talaga yung sched ng tuesday-thursday.
Ako: Hala Logic at Tax ang exam ko dapat. (Shit, hindi ako nakapagaral dun!)
Sir: Kaya mo na bang magexam?
(Hindi ako makasagot)
Sir: Sige, punta ka muna sa library at aral ka kahit 30min. Magovertime naman kami at pwede ka pa magexam.
(Anghel ang tingin ko sa kanya ng mga oras na yun)
Tamang takbo na ko papuntang Library.
5:00 -- Bumalik ako sa Testbank. Exam. Exam
6:30 -- Natapos ko ang exam ng nakangiti dahil hindi ako nahirapan sa exam. I really want to praise God dahil lahat ng napag-aralan ko for pre-finals ay natandaan ko pa at nasagutan ko ng matiwasay ang mga tanong. Lahat din ng nabasa ko sa Library ay yun ang lumabas. Mahal pa din talaga ko ng Diyos.
Hehe.